Saturday, December 31, 2011

Film Notes: December 2011

Guilty of Romance (Sion Son, 2011) 3/5. Parang nakakapangamba na nagiging komportable si Sono sa Genre Film-making. He's capable of doing great things, sayang naman kung mauuwi lang siya lagi sa psycho-thriller with gore. Gusto ko yung paghalo niya ng Japanese literary elements dito.

Slow Action (Ben Rivers, 2011) 5/5. Akala ko katulad siya nung ibang film ni Rivers na documentary talaga. It's a science fiction na parang mix ng La Jetee at Todo Todo Teros. Mostly made by 16mm fotages of travels, landscapes and nature shots, nakapaglahad siya ng kwento ng apat na Utopia na iba-iba ang settings at conditions. Nakakatuwa rin yung may mga actors na sa last part ng film.

Elena (Andrei Zvyaginstev, 2011) 4/5. The opening scene was just sad. Isa sa mga natatanging pelikulang napanuod ko na kumiling sa mayayaman at bumatikos sa mga mahihirap.

Forbidden Women (Eduardo de Castro, 1948) 4/5. Ganda ng prod. design. Mas napansin ko ang acting ni Berting Labra kesa kay Fernando Poe Sr. Napaka-hollywood niya, as expected for a co-prod, pero nasalo lahat ng mahuhusay na acting yung mga kamalian sa pelikula.

Macho Dancer (Lino Brocka, 1988) 4/5. Wew! Ang naiimagine ko kay Jaclyn Jose si Andi Eigenman. XD

El Filibusterismo (Gerardo De Leon, 1962) 5/5. Ang ganda nung shots sa dagat, lalo nung tumatakbo si Juli (Charito Solis) papunta kay Kabesang Tales (Ben Perez). Ang galing ng ensemble, especially Pancho Magalona and Robert Arevalo. Nakakaasar yung shots, maganda kaso nasira ng pangit na kopya. hays.

Winnie The Pooh (Stephen J. Anderson|Don Hall, 2011) 4.5/5. Ma-appeal. Charming. Sobrang nakakatuwa. Feel good lang. Not in an escapist way. Masarap sa puso. Para sa lahat.

The Skin I Live In (Pedro Almodovar, 2011) 4/5. wehehehehe. nakakawasak ng pag-asa sa buhay. Ayoko na , ayoko na! XD

We Have a Pope (Nanni Moretti, 2011) 4/5. Ang husay! Para sa isang actor-director, ang galing ni Moretti. May fun times, may depressing times.

I'm a Cyborg, but That's OK (Chan-wook Park, 2006) 3/5. Trying hard to be weird.

Children Who Chase Lost Voices from Deep Below (Makoto Shinkai, 2011) 5/5. Thank God it's not as depressing as his first two films. Nakakatuwa yung adventure. Namangha ako sa pag integrate ng politics at history sa mythology. Pinaka-sentro ng tema ay indigenous culture and identity preservation. Which was always, one of my favorite themes. Ang ganda ng mga eksena at ng pagkakasulat. Nakakabusog sa mata.

Midnight in Paris (Woody Allen, 2011) 4/5. Ang swerte ni Gil Pender, parang gusto ko rin ng ganun, sa 70's at early 90's. Haha. Very Woody Allen ang portrayal ni Owen Wilson.

Silence Has No Wings (Kazuo Kuroki, 1966) 5/5. madaming simbolismo tungkol sa maraming bagay na umugnay sa kasaysayan ng Japan at ng mamamayan nito mula sa mata ng isang caterpillar na madaming pinagdaanan bago naging butterfly. Ganito rin siguro yung nangyari sa caterpillar sa Chic-Boy.

Burlesk Queen (Celso Ad Castillo, 1977) 5/5. Naiyak naman ako sa pag-introduce kay Canuplin. Ang hot ni Ate V. hehe. Hindi ko lang alam, pero everytime na manunuod ako ng pelikula ni Sir Celso, nagiging melancholic ako. The best yung sigawan scene sa backstage na drum-roll lang ang naririnig. Joonie Gamboa at his best. Siguro kung ngayon ito isinali sa MMFF, papakialaman din ito o kaya hindi bibigyan ng award kasi hindi "family-oriented". hehehehe. Para sa CBCP at CCP.

Shura (Toshio Matsumoto, 1977) 5/5. Bloodbath in black and white. That drunk Gengobe monologue is awesome.

Barren Illusion (Kiyoshi Kurosawa, 1999) 4/5. True to it's title. Hypnotic and charming contemplation. Walang tapon talaga kay KK.

Pastoral: Hide and Seek (Shuji Terayama, 1974) 5/5 (mas trip kong title yun kesa To DIe in the Country)Terayama's most personal work. Nakaka-surprisa yung progression ng plot. Nakakagutom yung pagkulay, parang multi-colored candy. Parang angsarap dilaan nung tv. hahahaha. Reflective, experimental, pero tagos sa puso ang gustong iparating ni Terayama. isa sa mga pinakaemosyonal niyang gawa.

Aliw (Ishmael Bernal, 1979) 5/5. Mga wasak na puso sa wasak na sitwasyon. Nakakahawa ang pagkawasak. gusto lang naman nilang magmahal ah. :((

We Need To Talk About Kevin (Lynne Ramsey, 2011) 4/5. Ang galing ni Swinton. Parang heto yung gustong marating ng Orphan saka Joshua noon.

A Separation (Asghar Farhadi, 2011) 5/5. Buti nalang hindi to tungkol sa kasal.

Suck Seed (Chayanop Boonprakob, 2011) 5/5. Enjoy. Tear-jerking yung sa reunion scene. hays.

Animal Kingdom (David Michod, 2010) 4/5. Wasak nga yung scene na may Air Supply BGM. !!

Hobo With a Shotgun (Jason Eisener, 2011) 5/5. One of the year's best, hehe. Mas trip ko to kesa Drive.

Fe, Esperanza, Caridad (Cirio H. Santiago|Lamberto V. Avellana|Gerardo De Leon, 1974) 5/5. The summary of what Philippine Cinema was.

Pink Floyd: The Wall (Alan Parker, 1982) 5/5. This adaptation of the whole The Wall album is one of it's kind. Ang galing ng build up ng character ni Pink. :)

Dune (David Lynch, 1984) 3/5. Kailangan ng rewatch, bwiset yung vcd copy.

Pagputi ng Uwak... Pag-itim ng Tagak (Celso Ad Castillo, 1978) 4/5.

Angela Markado (Lino Brocka, 1980) 5/5.


Throw Down (Johnnie To, 2004) (100x10^100)/5.. I have never felt warmth in watching a gangster film until I saw this. Feeling ko nanunuod ako ng Tamayura, kung saan walang masamang nilalang sa mundo. Lahat mababait at lahat ginagawa lang ang mga pangarap nila. Nainlove ata ako sa pelikula. What a way to end the year.

Friday, December 30, 2011

Kawts Kamote Year-ender 2011

Kamusta!

Andito na tayo sa panahong maraming gumagawa ng listahan. Syempre, trip ko rin naman maglista, lalo kapag naaalala ko ang mga magagandang ala-ala sa mga nabanggit ko sa listahan. Hindi ko alam kung papaano pumili yung iba sa paggawa ng listahan nila, pero, yung pagpili ko ay base lang sa pagmamahal ko sa mga pelikulang napili ko. Kung di man kayo matuwa, pasensya na kung di umabot sa ekspektasyon ninyo. Sa mga natuwa, maraming salamat! Pareho lang ang tingin ko sa short films at feature lengths kaya mapapansin ninyo na magkakahalo siya. :)

Paalala lang po bago po maglagay ng negative comment, hindi po ko critic, wala po kong alam sa mga teknikalidad ng kritisismo, kung anong tama o mali, ang sa akin lang po ay kung ano ang nagustuhan ko. hehe. Peace tayo ha. XD

Ang mga paborito ko ngayong taon:

20. OOO, Den-O, All Riders: Let's Go Kamen Riders (Osamu Kaneda)
19. Buenas Noches, España (Raya Martin)
18. Lawas Kan Pinabli (Christopher Gozum)
17. Winner Winner (Jaise Cappal)
16. The Turin Horse (Bela Tarr)
15. Isda (Adolfo Alix, Jr.)
14. Slow Action (Ben Rivers)
13. Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington (Jade Castro)
12. Working While in Class (Mai Calapardo)
11. Goodbye, Mister Christie (Phil Mulloy)
10. The Human Centipede II (Full Sequence) (Tom Six)
09. Siglo ng Pagluluwal (Lav Diaz)
08. Big Boy (Shireen Seno)
07. Once Upon A Time In Anatolia (Nuri Bilge Ceylan)
06. Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (Alvin Yapan)
05. Sa Kanto ng Ulap at Lupa (Mes De Guzman)
04. Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay (Antonette Jadaone)
03. Pina (Wim Wenders)
02. Children Who Chase Lost Voices from Deep Below (Makoto Shinkai)
01. Brownout sa Neighborhood Namin That Day (Judd Figuerres)


Iba pang nagustuhan ko ngayong taon:
Hindi ko sure kung kelan ako makakagawa ng mga mumunting pagtingin ko sa mga sumusunod, o kung makakagawa pa ako, pero, isa lang ang masasabi ko, wala akong reklamo sa mga pelikulang nasa ibaba. Hehehehehe
  • A Separation (Asghar Farhadi)
  • Andong Agimat: Kanya ang Kalye (Arnold Arre)
  • Bawi (Jose Antonio de Rivera)
  • Bleak Night(Sung-Hyun Yoon)
  • Busong (Auraeus Solito)
  • Cartas de la Soledad (Teng Mangansakan)
  • Drive (Nicolas Refn)
  • Elehiya sa Dumalaw Mula sa Rebolusyon (Lav Diaz)
  • Elena (Andrei Zvyaginstev)
  • Ex-press (Jet Leyco)
  • Hindi Sa Atin ang Buwan (Jon Lazam)
  • Hobo With a Shotgun (Jason Eisener)
  • Kommander Kulas (Khavn)
  • Mapang-akit (John Torres)
  • Melancholia (Lars Von Trier)
  • Mga Anino sa Tanghaling Tapat (Ivy Universe Baldoza)
  • Midnight in Paris (Woody Allen)
  • My Paranormal Romance (Victor Villanueva)
  • Paul (Greg Mottola)
  • Suck Seed (Chayanop Boonprakob)
  • Super 8 (J.J Abrams)
  • Taksikab (Archie Del Mundo)
  • The Adjustment Bureau (George Nolfi)
  • The Kid with a Bike (Jean-Pierre Dardenne|Luc Dardenne)
  • The Skin I Live In (Pedro Almodovar)
  • The Sun-Beaten Path (Sonthar Gyal)
  • The Tree Of Life (Terrence Malick)
  • We Have a Pope (Nanni Moretti)
  • We Need To Talk About Kevin (Lynne Ramsey)
  • Winnie The Pooh (Stephen J. Anderson, Don Hall)
Mga pinagsisihan kong di mapanuod:

  • Nino (Loy Arcenas)
  • Amok (Lawrence Fajardo)
  • Pahinga (Khavn)
  • San Lazaro (Wincy Ong)
  • Rakenrol (Quark Henares)
  • Sakay sa Hangin (Regiben Romana)

20 - OOO, Den-O, All Riders: Let's Go Kamen Riders (Osamu Kaneda, 2011)




Nagtataka siguro kayo kung bakit nasa other favorites lang ang Tree of Life, Habemus Papam, We Need to talk about Kevin, A Separation, etc, etc, at heto, nasa huli ng top 20. Simple: mas na-enjoy ko ito. Heto na siguro ang pinaka-naenjoy kong action film ngayong taon, at ang pinaka-naenjoy kong Superhero flick ever since Burton's Batman. Di bale, dalawang superhero anniversary films ang lumabas ngayong taon, yung isa para sa Super Sentai (Power Rangers kung gusto niyo), pero mas napansin ko to dahil mas may kwento siya kesa dun, at medyo mas justified ang pagsulpot ng ibang heroes dito. Maraming kakulangan ito, pero para sa isang fan na tulad ko ng Masked Rider, wala nang iba pang mas hihigit pa sa hype na naramdaman ko sa pagnood lang nito.

19 - Buenas Noches, España (Raya Martin, 2011)



Nagbunga ng napakaraming argumento sa facebook ang pagmamahal ko sa pelikulang ito. Sa mga kadahilanang, kulang ang naratibo nito at nalugmok sa eksperimento, may mga nagsabing hindi na matatawag na isang pelikula. Sa kabila ng mga inaasahang reaksyong ganito, matapang lamang si Raya Martin na mailabas ito at maipalabas sa isang komersyal na sinehan sa premier nito sa bansa. Isang tila psychedelic trip ng isang lalaki at babae habang nagpapatalon-talon sa panahon at mga bansa. Nakakalakas ng tama yung mga kulay nito. May mga eksenang paulit-ulit at medyo nakakairitang musikang industriyal, sapat na upang mapag-walk out mo ang matatandang manonood. Gayun pa man, namunga ng isang kakaibang halina sa akin ang mga pageeksperimentong ito. Naintindihan ko ang pelikula, ngunit hindi kung bakit ko ito minahal. Siguro nga, true love ito. Naks.

18. Lawas Kan Pinabli (Christopher Gozum, 2011)




Isang matapang na dokumentaryo mula kay Gozum na nagpakita ng iba't-ibang panig ng sitwasyon ng mga OFW sa Gitnang-Silangan. Obhektibong pagtingin sa kalagayan, pamumuhay at pang-araw-araw na gawi ng ating mga kababayan doon, na inilahad sa eksperimental na paraan ng pagsasanib ng piksyon at dokumentaryo.

17 - Winner Winner (Jaise Cappal, 2011)




Isang pagtingin sa naging epekto ng telebisyon sa kaisipan ng tao. Pinakita ni Cappal ang ibang panig ng "Show ng bawat Pilipino", kung sino nga ba ang talo at ang panalo, at kung ano nga ba ang ibig sabihin ng bawat palakpak, tuwa, biro at halakhak.

16 - The Turin Horse (Bela Tarr, 2011)



Ipinamandila na ni Bela Tarr na ito ang kaniyang magiging huling pelikula. Tila yata isang hindi kanais-nais na iwang impresyon bilang pamamaalam. Pinakita ng The Turin Horse ang sitwasyon ng mag-amang nasadlak sa kahirapan habang namumuhay malayo sa tulong ng ibang tao sa gitna ng malakas na bagyo. Mag-iwan ng kalungkutan sa pamamaalam? Medyo natural lang naman siguro yun, oo, pero, parang may isang parte sa puso ko na humihiling ng isa pang pelikula mula sa kanya.

15 - Isda (Adolfo Alix, Jr., 2011)



Nakatutuwa nung una ang ideya na isda ang anak ni Cherry Pie Picache dito, hanggang sa maglaon, ay para bang hindi na sumasapit sa isip mo ito at tinitignan mo na si Miguelito tulad ng pagtingin sa kanya ng kanyang ina. Hindi ako mapalagay nung pinapanuod ko ito, at nung matapos na, nalungkot ako. Nagiwan ito ng isang di malilimutang pakiramdam sa akin, pagkalito marahil iyon pero, ang pagkakaalala ko, masarap din ang pakiramdam na iyon.

14 - Slow Action (Ben Rivers, 2011)



Inilahad siya na parang isang informative program sa telebisyon pang-turismo. Ipinakilala ang mga piksyunal na lugar sa pagnanarrate at mga stock footage na kuha ni Rivers. Isang surpresa sa akin ang paggamit ng mga aktor sa huling bahagi, na lalo kong ikinamangha. Hindi na lang pala pang-dokumentaryo si Rivers.

13 - Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington (Jade Castro, 2011)



Natawa ako nung napanuod ko ang pelikulang ito. Pero nung lumabas ako ng sinehan, nalungkot ako dahil mag-isa lang ako nanuod, bonus pa ang bagyo nun. Ang Zombadings 1 ay isang palabas na dapat mong panuorin kasama ang barkada at paguusapan ito pagkatapos. Sa kabila nun, enjoy ko naman siya habang nasa luob ng sinehan, nahiya lang akong tumawa kasi mga 10 lang ata kami nun sa loob tapos walang ibang tumatawa. Nakakatuwa ang mga pagganap nila Martin Escudero at John Regala.

12 - Working While in Class (Mai Calapardo, 2011)



Isang personal na pag-tanaw sa buhay working-student. Lakas ng palakpak ko nito nung napanuod ko sa unang pagpapalabas nito nuong thesis defense ng UPFI. Ikinatuwa ko naman ang pag-ani nito ng parangal sa Gawad CCP. Ikinokomenda ko ang pagpresenta nito ni Calapardo bilang kanyang thesis sa Film Institute, bihira ang isang personal na likha doon sa pagkakaalala ko.

11 - Goodbye, Mister Christie (Phil Mulloy, 2011)



Baliw si Mulloy. Napatunayan na ito ng kanyang mga nauna pang gawa. Ito ang nagbigay sa kanya ng naiibang reputasyon sa mundo ng animasyon. Kaiba sa kanyang mga naunang gawa, ito ay computer animated, ngunit dama mo pa rin ang roughness ng isang gawa ni Mulloy. Nakatutuwa ang naging daloy ng kwento, lalo na ang pinatunguhan nito. Napa-nganga na lang kami ng kuya ko matapos ang credits.

10 - The Human Centipede II (Full Sequence) (Tom Six, 2011)



Gusto ko yung unang Human Centipede: hindi gory, artsy pero hindi pretentious, at medyo baliw. Medyo mixed ang reaksyon noon doon ng ibang tao. Isang surpresa naman ang ikalawang Human Centipede: maraming gore, hindi artsy, nakaririmarim, baliw na baliw. Taste? Wala na kong pakialam dun. Sa unang beses sa buhay ko, parang gusto kong ipikit ang mata ko sa panunuod ng pelikula. Partida, black and white pa ito. Hindi ko yun naranasan sa kahit anong Guinea Pig film. Iba ang epekto ng HC-II.

9 - Siglo ng Pagluluwal (Lav Diaz, 2011)



May bagong kamera si Lav. Naks.
Mas matalas na ang mga imahe ng kaniyang pelikula, iba na ang pakiramdam. Pero tatak Diaz pa rin. Pinakita nito ang kasalukuyang sitwasyon ng pelikulang Pilipino ayon sa personal na karanasan at pagtanaw ni Diaz. Halos awtobiograpikal nga itong pelikula. Masyadong maraming kahawig sa kaniyang buhay. Ito ay konseptong nagkalaman, nagkakuwento, at nagkabuhay. Nag-bunsod man sa pagkalito, makatutulong ito sa pag-unawa ng ating sariling sining at industriya ng Pelikula at makatutulong din ang mga ideya kung saan natin ito pwedeng dalhin at kung papaano palalaguin para sa kaniyang ikabubuti.

8 - Big Boy (Shireen Seno, 2011)




Isang pagbabalik tanaw sa inosenteng kabataan. Kakaiba ang feel ng super-8. Lalo na unang beses kong nakakita ng pelikulang ginamit ito sa isang period film sa isang probinsya sa Pilipinas. Parang natural lang sa atin ang kamerang iyon, pakiramdam ko ay hindi ako hiwalay sa kung anomang mundo meron sila. Nagbabalik sa akin yung mga dating larong kalye na hindi ko nalaro at nanawa na lang ako sa panunuod sa mga ibang bata na naglalaro nito. Nalungkot ako. Ang pag-alaala ay masalimuot. Pero, napapangiti na lang ako.

7 - Once Upon A Time In Anatolia (Nuri Bilge Ceylan, 2011)



Isang kakaibang crime film na inilahad na para bang isang fairy tale, complete with a fairy. Kakaiba ang karisma. Nakahuhumaling para sa isang madilim na tema. Para bang ok lang kung ipa-panuod ko sya sa magiging anak ko kahit bata pa siya. Nanduon ang tuwa, takot, lungkot, at lalo na ang pagkamangha sa kakaibang mahika. Mga bagay na matatagpuan lamang noon ng sabay-sabay sa mga kwentong pambata.

6 - Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (Alvin Yapan, 2011)



Love story na walang "I love you", paglalahad ng mga tula na hindi ganon ka-academic, mga sayaw na hindi nakakatalon sa indak ngunit nakakakalma ng puso, at mga awit na tumatagos sa laman ang bawat tunog. Medyo mahirap isipin, pero nagawan ito ng paraan ni Yapan nang hindi mahirap ma-tanto ng manonood. Posible pa rin pala ang inosenteng pag-ibig sa pinilakang tabing.

5 - Sa Kanto ng Ulap at Lupa (Mes De Guzman, 2011)



Wasak na buhay ng mga bata sa wasak na panahon at wasak na sitwasyon. Tinatawanan lamang ang bawat sawi at gutom. Ito ang kauna-unahan kong napanuod mula kay De Guzman. Nag-iwan ito sa akin ng kakaibang lungkot ngunit tila tuwa sa banda huli nito. Para bang isasama ka nila papataas at nais mong sumama kahit di mo alam kung saan tutungo.

4 - Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay (Antonette Jadaone, 2011)



Best Actress si Nay Lilia. Bihira ang magpatawa ka ng para bang hindi ka nagpapatawa. Natural. Sa panahong uso na ang panlalait sa pagpapatawa, may puwang pa rin pala para sa sinserong komedya na may puso at tyak namang hagalpak sa sahig ang sinomang makarinig nito. Isa marahil sa pinakamagandang komedya ng ating panahon.

3 - Pina (Wim Wenders, 2011)



Hindi ko kilala si Pina Bausch. Hindi ako fan ng Contemporary Dance, o ng kahit anong european art. Hindi ko kilala si Wim Wenders. Pero, nahumaling ako dito. Sabi ng isang humanities professor sa akin noon, makikilala mo ang artist sa kanyang mga likha. Ipinakita at ipinakilala ni Wenders si Pina sa pamamagitan ng kaniyang mga sayaw at kwento ng mga buhay na naabot niya. Ipinakita kung gaano siya ka-selan, kung sino siya bilang babae, at kung sino siya bilang tao.

2 - Children Who Chase Lost Voices from Deep Below (Makoto Shinkai, 2011)



Hindi tulad ng mga naunang pelikula ni Shinkai, hindi ito depressing. Nasinagan naman ako ng pag-asa kahit papaano, at kahit na kuwento pa rin ng ilang sawing pag-ibig. Mas umikot ito sa pag-tingin sa mitikal na impyerno at kung ano ang nagiging epekto nito sa nilalang. Mas pumailalim ngayon si Shinkai sa pagkatao at hindi lamang sa romantikong puso. May init sa pakiramdam ang pelikula, hindi ganon kahirap bitbitin at panuorin. Mature man, magaan pa rin.

1 - Brownout sa Neighborhood Namin That Day (Judd Figuerres, 2011)



Nung unang beses kong mapanuod ito, kulang na lang tumili ako sa mga huling eksena. Kakaiba ang iniwang impresyon sa aking ng pelikulang ito. Ang Brownout... ay ang eksplorasyon ni Figuerres sa Sikolohiyang Pilipino sa pamamagitan ng isang pamilyang hindi nagpapansinan sa isang brownout na bisperas ng pasko. Ang pagiging kontemplatibo nito ang nagbigay ng isang kakaiba at di komportableng pakiramdam na lalong napaigting ng papataas na antas ng mga eksena patungo sa katapusan. Kahit ngayon, pag naiisip ko ang pelikulang ito, para bang gusto kong tumili.

Friday, December 16, 2011

A Petition to Release the Director's Cut of Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story







Kamusta!

Dahil sa balitang ito mula sa Philippine Daily Inquirer, at sa pagsusog at suporta ng mga kasamahan sa Pinoy Cinephiles sa Facebook, namuo sa akin ang gawin ang petisyon na ito.

Ito ay panawagan na ilabas ang cut ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na ninanais na maipalabas ng direktor, Tikoy Aguiluz. Ito'y hindi lamang panawagan para sa direktor, ngunit para na rin sa mamamayang manonood ng Pelikulang Pilipino na nararapat lamang na paglaanan ng isang tapat at tunay na likhang sining.

Makiisa sa aming panawagan, lumagda lamang dito: Petition: Release the Director's Cut of Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Maraming Salamat sa mga lumagda na at sa mga lalagda pa!

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!