ang mana ng mano?

hindi ito ang unang napanuod ko kay Khavn, pero marahil, ito ang katangi-tanging "film" na makikita ko mula sa kanya.
Bakit? dahil ang mga sumunod ay not-a-film na. haha
Medyo malamya nga ang artikulong naisip ko para sa Cinematon, pasensya na, madami ako masyadong iniisip eh. Eskwela, bahay, pera, etc.
Sa mga panahong ito, bukod sa mga taong malapit sa akin, pinapasaya naman ako ng pelikula, at isa ito sa mga nagpasaya sa akin simula ng una ko syang mapanuod.
Hindi pa noon nagagamit dito ang terminong wazak pero nandoon na ang konsepto. Bilib lagi ako sa mga lumalabas sa utak ni Khavn, di ko alam kung saan niya pinagpupupulot.
Favorite part ko dito yung Presong Malongkot. XD
Napakarandom ni article, naaasar na naman ako...
di ko na aayusin to... heto na yun...
naalala ko yung article ni Whammy na mukhang critique sa kahit anong mahahaba, quote ko lang:
Length is not the basis of quality.
pero kahit anong haba o ikli nitong article na to, walang quality. kawawa naman yung pelikula ni Khavn.
panoorin ninyo to, oks to. Available na siya sa dvd, Litte Brown Shorts ni Khavn. i-pm niyo na lang siya sa FB o kaya punta kayo website ng Kamias Road.
















